Close
 


Legal Ba ‘To: Biglaang paglalagay ng empleyado sa graveyard shift | Gud Morning Kapatid
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#GuMKLegalBaTo? | Paano kung bigla ka na lang in-assign ng boss mo na mag-duty sa gabi? Malaki-laking sakripisyo ‘diba? Ang mga karapatan ng night shifter o duty sa gabi, maging ang mga batas kaugnay niyan, idinetalye ni Atty. Buko dela Cruz sa #LegalBaTo! #GudMorningKapatid #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hi, Atty. Gusto ko lang po itanong, nilalagay po ako ng employer po sa graveyard shift, pero dito po sa lugar namin, mahirap po ang sakayan, lalo na po pag 10 oras ng gabi.
00:15.0
Pwede po ba akong mag-demand ng transportation allowance o kaya naman po ay tumanggi sa assignment na ito? Legal po ba ito?
00:24.0
Legal po ang paghingi ng karagdagang binipisyo para sa mga nagtatrabaho sa gabi o yung night shift, lalaki man o babaeng empleyado.
00:34.8
Ito ay ang night shift differential pay na karagdagang 10% ng inyong daily wage o sahod para sa mga taga-gobyerno na nagtatrabaho mula alas 6 ng gabi hanggang alas 6 ng madaling araw kinabukasan.
00:49.3
At para sa mga nasa private sector naman ay yung mga nagtatrabaho.
00:53.8
Sa pagitan ng alas 10 ng gabi hanggang alas 6 ng umaga kinabukasan, hindi kasama o excluded sa night shift differential pay ang mga sumusunod.
01:04.4
Una, yung mga empleyado ng gobyerno na ang schedule talaga ng trabaho ay tatama sa alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi dahil may overtime pay naman talaga sila pag umabot ng gabi ang kanilang oras, basta higit sa 8 oras sa isang araw.
01:23.2
Pangalawa, hindi rin po sakop ng night shift differential ang mga empleyado ng gobyerno na ang serbisyo ay kailangan ng 24 oras tulad ng mga pulis, ng military o yung mga nasa rescue at sa pangkalusugan.
01:38.2
Hindi rin po kasama ang mga nasa retail o service establishment na ang empleyado ay higit sa limang empleyado dahil ang mga ito ay meron ng regular na shifting ng kanilang schedule.
Show More Subtitles »