Philippine weightlifting team, doble kayod sa paghahanda para sa Paris Olympics
#FrontlinePilipinas | Tuloy-tuloy ang paghahanda ng mga pambato natin sa weightlifting sa parating na #Paris2024 #Olympics. Handang magdala ng karangalan sa bansa sina Elreen Ando, Vanessa Sarno, at John Ceniza. #News5 | via Martie Bautista
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
Run time: 03:07
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Mga kapatid, tuloy-tuloy ang paghahanda ng mga pambato natin sa weightlifting sa parating na 2024 Paris Olympics.
00:06.6
Handang magdala ng karangalan sa bansa, si Nelreen Ando, Vanessa Sarno at John Ceniza.
00:12.2
Nagbabalik si Marty Bautista.
00:15.1
Kumpiyansa sa sarili, ang isa sa mga pinapatibay ng ating mga pambato sa weightlifting sa kanilang patuloy na pag-e-ensayo para sa 2024 Paris Olympics.
00:25.2
Kabilang sa mga bubuhat para sa team Pilipinas, si Nelreen Ando, Vanessa Sarno at John Ceniza.
00:32.8
Doble kayod sila sa training sa Rizal Memorial Gym tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
00:38.9
May pang-umaga at pang-hapon na training sila na nakafocus sa power at speed.
00:44.7
Ang lalaban sa women's 59kg category na si Nelreen, alay daw ang laban sa kanyang ama na pumanaw bago ang 2021 SEA Games.
00:54.5
Yung nag-qualify ako noong Tokyo, masayang masaya siya doon kasi lahat ng pinaghirapan ko, nakuha ko.
01:06.6
Dati pa talaga yun na kahit every laro ko, napaka number one supportive po talaga yun.
01:13.0
Parang sasigaw yun, lalo na ngayon na nakuha ko yung Paris Olympics na pinaghirapan ko ng sobra-sobra na ang daming pinagdaanan.
01:24.2
Ang 20 anyos na si Vanessa Sarno naman, kumpiyansang makakapag-uwi siya ng medalya kahit isa siya sa pinakabatang weightlifter at first-timer sa Olympics.
01:36.5
Bilang breadwinner, inspirasyon niya raw ang kanyang pamilya.
01:40.9
Tinitigan ko po yung mama ko. Parang siguro hindi lang ako nahirapan. Alam ko na nahirapan yung mama ko.
01:48.8
Alam ko na nararamdaman niya rin po na nahirapan ako.
01:54.2
Doon po, doon ko po naisip na kakayanin ko ito. Kinakaya nga ni mama. Dapat ipakita ko rin sa kanya na malakas ako.
02:00.0
Malaki rin ang expectation para sa Cebuano na si John Siniza.
02:04.8
Naka-fourth place siya sa men's 61kg category sa International Weightlifting Federation World Cup sa total lift na 300kg.
02:14.5
Isa ang weightlifting team sa pinakamaraming Philippine contingency na lilipad para sa Paris.
02:20.9
At para sa kanila, may pressure ang gold medal repeats.
02:24.2
Kami as some coaches, kailangan namin i-lower that pressure sa mga atletes, i-level that pressure. Kailangan namin bigyan sila ng moral.
02:36.8
Lilipad ang weightlifting contingent ng Pilipinas sa Metz, France sa Hunyo para sa one-month camp nila bago ang Paris Games.
02:44.8
Nagbabalita mula sa Frontline, Marty Bautista, News 5.
02:49.4
What's up mga kapatid? It's your sports tito, Mike Urias.
02:52.1
Huwag magpahuli sa mga umaaksyong bakbakan at harapan sa loob at labas ng bansa.
02:57.1
Para sa mga pandiin ng sports news, mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.