Close
 


Rafah Border, binulabog ng magkakahiwalay na pambobomba | #TedFailonandDJChaCha
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Narito ang mga balita sa labas ng bansa ngayong Huwebes, May 9: • Rafah border, binulabog ng magkakahiwalay na pambobomba • Palestinong sibilyan, muling lumikas bunsod ng pambobomba ng Israeli Forces kontra Hamas sa Rafah • Cargo plane, sumadsad sa Turkey • Mga alagang aso, nasagip matapos ang matinding pagbaha sa Brazil • Buwan ng Abril, pinakamainit sa nakalipas na isang taon #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM --- Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa mga balita naman po sa labas ng bansa,
00:03.2
binulabog ng sunod-sunod na pambobomba ang iba't ibang lugar sa Rafagaza.
00:08.6
Nangyari sa gitna ng ginagawang opensiba ng Israeli forces kontra Hamas
00:13.0
at ayon sa ulat, nagpakalat ang Israel ng maraming tanke de guerra sa kahabaan ng Rafah border.
00:19.6
Una nang nangako ang Israel na kanilang pupulbusin ang libu-libong miyembro ng grupong Hamas.
00:24.7
Kinumpirma rin ang IDF na maraming lugar sa Eastern Rafah ang pinagkukutaan ng mga militanteng grupo.
00:31.9
Sa huling tala, umabot na sa halos 35,000 palestinong sibilyan ang nasawi
00:37.0
sa digmaan ng Hamas kontra Israeli forces sa Gaza.
00:42.6
Muling nagsilikas ang maraming palestinong sibilyan sa gitna naman ng pambobomba ng Israeli defense forces sa Southern Gaza.
Show More Subtitles »