Legal Ba ‘To: Hindi pagbabayad ng contactor sa mga empleyado | Gud Morning Kapatid
#GuMKLegalBaTo? | Suko ka na ba sa iyong contractor dahil kaliwa’t-kanang aberya na ang iyong nakukuha?
Ang mga batas kaugnay niyan, idinetalye ni Atty. Buko dela Cruz sa #LegalBaTo! #GudMorningKapatid #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
Run time: 03:04
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:07.5
Ma'am, hindi po kasi kami binabayarin ni Sir Marlon, yung contractor po ng bahay niyo.
00:11.3
Pakibayaran na lang po kami.
00:12.9
Ay, nag-full payment ako kay Marlon, kaya di ako magbabayad.
00:16.5
Ma'am, kailangan niyo po kaming bayaran.
00:18.6
Kayo na lang po ni Sir Marlon ang mag-usap.
00:20.7
Attorney, hindi binayaran ng kinuha kong contractor ang mga workers,
00:24.3
kaya ngayon ako ang sinisingin.
00:27.6
Hindi po yan legal.
00:28.8
Wala kayong obligasyon na magbigay ng sweldo sa mga empleyado ng inyong contractor.
00:35.6
Hindi ninyo sila empleyado.
00:38.2
Ang tawag sa arrangement na ito ay Independent Contractor System,
00:43.8
kung saan ang kausap lang ng may-ari ng bahay ay ang kontratista.
00:48.8
Walang ugnayan o relasyon o kontrata ang may-ari ng bahay sa mga workers o empleyado ng kanyang contractor.
00:56.6
Walang employer-employer.
00:58.8
Walang employee-employee relationship sa kanila.
01:01.2
Kaya kung hindi mabayaran ng contractor ang kanyang mga empleyado,
01:06.2
maaari siyang makasuhad dahil sa non-payment of wages.
01:10.1
Attorney, hindi na sunod ng contractor yung planong napag-usapan namin sa kusina ng bahay.
01:15.0
Tapos ngayon ipapabago ko para itama, nagpa-additional cost. Legal ba to?
01:19.4
Hindi po yan legal.
01:20.5
Ang contractor ay may obligasyon na sundin ang plano bilang bahagi ng kontrata sa paggawa ng bahay.
01:29.3
Kung hindi ito nasunod, may breach o pagkukulang ang contractor.
01:34.5
Ano mang gastos sa pag-aayos na gagawin sa bahay upang maitama ang mga maling ginawa ay sagot ng contractor.
01:43.2
Hindi ito change order o variation order o mga karagdagang paggawain na karaniwan ay sagot ng may-ari ng bahay dahil labas na ito sa plano at sa kontrata.
01:57.2
Ang mga corrective measurements.
01:58.8
Ang mga corrective measurements ay pagtatama sa mga maling ginawa ng contractor kaya hindi makatwiran na maningil ng dagdagbayad ang contractor sa pagtatama ng kanyang maling ginawa.
02:11.8
Maaaring kasuhan ang contractor direkta sa korte para sa danyos o damages.
02:18.5
Kung ito ay hindi lalagpas sa 1 million pesos, pwede po ito sa small claims court.
02:23.8
Bawal ang abogado dito. Magkabilang panig lang ang paghaharapin ng korte.
02:28.8
Fill in the blanks lang po ang forms at isang araw lang ang hearing.
02:33.6
Action agad ang hukuman o small claims court.
02:37.1
Kung kayo po ay may nais ikonsulta sa inyong lingkod, ifollow lang ang Facebook page ng Good Morning Kapatid.
02:43.7
Mangyaring i-private message po ninyo sa akin ang inyong mga katanungan. Maraming salamat.
02:49.5
Mga kapatid, Justin Quirino po. Masayang kwentuhan at makakulahang informasyon ang hatid namin tuwing umaga.
02:55.6
Kaya mag-subscribe na at mag-follow sa social media pages.