Close
 


Paano sinusundan ng media ang mga biyahe ni Marcos sa ibang bansa? | Patrol ng Pilipino
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
MAYNILA — Malaking hamon ang oras sa pag-uulat ng balita, lalo na kung ito ay overseas coverage. Hindi na alintana ang 12 oras na pagitan sa Pilipinas at Washington para sa reporters at mga kasama para makapaghatid ng balita ng live mula sa USA, na pinuntahan kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para makipagpulong kay US President Joe Biden. Hindi lahat ng pulong ng pangulo ay mako-cover nang personal ng mga reporter, kaya sinusundan na lang ito online. ALAMIN: Bakit tinawag na ‘Patrol ng Pilipino’ ang ABS-CBN reporters? Behind the scenes sa 'roving' ng ABS-CBN News team Sa mga pagkakataong pwede itong gawin, mabilisan ang galaw dahil kailangan mai-report din ito kaagad. Bukod sa paghahanda ng mga kagamitan sa pag-uulat, dapat din ihanda ang sarili at ang impormasyong kailangan para sa istorya. Ang ilang oras na paghahanda ay katumbas lamang ng isang maikling balitaan sa newscast at mga ulat na nilalabas online. – Ulat ni Katrina Domingo, Patrol ng Pilipino Follow #PatrolNgPilipino o
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.5
Magandang umaga kapamilya! Nandito tayo ngayon sa Washington, D.C.
00:04.1
at ipapansinig ko sa inyo kung paano ang buhay reporter kapag nasa overseas coverage.
00:09.9
Time check, 5.25 a.m. na dito sa Washington, D.C.
00:13.9
Ibig sabihin, isang oras na lang bago ang prime time news sa Pilipinas.
00:17.9
Kaya tara, simulan na natin ang araw natin.
00:19.9
Kasama natin ngayong araw ang ibang mga reporter para mag-live sa harap ng White House.
00:32.3
Hanggat maaari kasi, ginagawa ang mga live report malapit sa mga landmark.
00:37.5
Para isang tingin pa lang, alam na ng mga manonood kung nasa ang bahagi ka ng mundo.
00:44.1
Isang oras bago ang newscast, kailangan nang simulan ang setup.
Show More Subtitles »