Cedric Lee, sinumpong ng hypertension bago ilipat ng kulungan | Frontline Pilipinas
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hindi pa rin na ililipat ng kulungan ang isa sa mga hinatulang guilty sa iligal na pag-detain kay Vong Navarro na si Cedric Lee.
00:07.2
Bigla kasi siyang sinumpong ng high blood.
00:09.5
Habang ang isa pang-akusada na si Ferdinand Guerrero, hindi pa mahagilak.
00:13.6
Nasa frontline ng balitan ngayon si Laila Pangilinan.
00:18.3
Napurnada ang pagharap sana ng negosyanteng si Cedric Lee sa tagig Regional Trial Court kaninang umaga.
00:24.6
Tumaas kasi ang kanyang blood pressure habang nasa tanggapan ng NBI sa Quezon City.
00:29.0
Hawak ng NBI si Lee matapos kusang loob na sumuko kagabi ng hatulang guilty sa kasong illegal detention for ransom
00:36.4
na isinampa sa kanya at sa tatlong iba pang-akusado ng actor TV host na si Vong Navarro.
00:42.4
Kanina nakaschedule sanang basahan ng disposisyon ng korte si Lee para malaman kung saan siya ikukulong.
00:48.6
Pero minabuti ng medico-legal officer ng NBI na obserbahan muna siya bago ibyahe.
00:54.2
The latest vital signs is hypertensive at 180 over 100.
00:59.0
Millimeter mercury, tachycardic, mabilis ng tibok ng puso, 107 beats per minute.
01:04.6
Paliwanag ng doktor, posibleng dala ng matinding init at stress ang pagtaas ng BP ni Lee.
01:10.7
Hindi naman daw siya kailangang dalhin sa ospital.
01:13.5
Pero mananatili muna siya sa NBI buong weekend.
01:17.0
Dahil nasaraduhan na sila ng korte kanina, lunes na raw ng umaga maglalabas ng disisyon ang korte.
01:23.7
Taantayin natin kung ano ang magiging order ng korte kung ikukumit na siya sa tamang facility.
01:29.0
Temporary lang kasi ang facility natin dito sa NBI.
01:32.5
Habang hawak ng NBI si Lee, kinumpirma naman ni Bucor Chief General Gregorio Catapang na nasa kustudian nila ang dalawa pang akusado,
01:40.9
sina Zimmer Raz at Denise Cornejo.
01:43.3
Limang araw munang ika-quarantine sa reception at diagnostic center ng medium security compound ng Nubilibid Prison sa Muntinlupa, Siras.
01:51.5
Habang nasa correctional institution for women sa Mandaluyong naman si Cornejo.
01:56.4
Kanina sinubukan ding ihain ng PNP.
01:59.0
Ang warrant of arrest sa ika-apat na suspect na si Ferdinand Guerrero.
02:02.8
Pero hindi nila ito natagpuan.
02:05.6
Patuloy po yung gagawin po nating manhan po.
02:08.7
At hopefully po kung naririnig po ni Ginoong Guerrero po,
02:13.2
ay sana rin po ay sumuko din po siya katulad po ng ginawa po ni Ginoong Lee para hakapin na rin po itong kaso po na ito.
02:21.2
Reklusyon perpetua o hanggang 40 years na pagkakakulong ang parusa sa apat na akusado.
02:26.9
Hindi sila pwedeng magpiansa.
02:29.0
At pinagbabayad pa ng 300,000 pesos na danyos kay Navarro.
02:33.4
Una nang sinabi ng kampo ni Lee na iaapilan nila ang desisyon sa Court of Appeals.
02:38.1
Kaya panawagan ng PNP at NBI kay Guerrero.
02:41.4
Sumuko na para hindi na siya lalong mahirapan sa kaso.
02:45.6
Yung kaso po niya ay mabigat na po itong kaso po niya.
02:50.2
That would require yung life imprisonment, reclusion perpetua.
02:53.9
Mabigat po ito kung patuloy po siyang magtatago po.
02:59.0
It will create more problems than solution on his part.
03:02.5
Walang mangyayari kung tayo ay parating nagtatago.
03:06.2
Baka hindi tayo makapag-focus sa ating legal defense or ating legal remedy.
03:11.8
Nagbabalita mula sa Frontline, Laila Pangilinan, News 5.
03:16.6
Mga kapatid, Jiggy Manikad po, iba na ang may alam at may pakialam sa panahon ngayon.
03:21.1
Para sa kongkreto, kumpleto at komprehensibong balitaan sa Frontline,
03:25.9
mag-follow at mag-subscribe sa social media pages.