01:05.0
Kung hindi tungkol sa isang parte ng buhay ko na talaga namang ang hirap i-share, pero gagawin ko pa rin.
01:13.0
Papa Dudud sa Maynila talaga ako lumaki pero madalas kaming umuwi ni na Papa at Mama sa probinsya para magbakasyon.
01:20.0
Iniiwan na rin nila ako ng ilang araw o linggo doon kasama ang Lolo Ambo at Tito Nato ko.
01:27.0
Si Lolo Ambo ay tatay ni Papa at si Tito Nato naman ay kapatid niya.
01:32.0
Dahil madalas nga akong magbakasyon sa kanila ay sobrang naging close na rin sila pati na ang ibang tao sa probinsya.
01:41.0
Uy pinsan, sa wakas ay naka-uwi ka rin dito sa probinsya natin. Masayang bati ng pinsang kong si Albert.
01:49.0
Parao kaming nasa grade 5 at kahit magkalayo kaming lumaki,
01:53.0
ay close na close pa rin kaming dalawa kasi siya ang madalas kong kasama kapag nasa probinsya ko.
02:02.0
Holy week na kasi pinsan. Buting nga at dito naisipan ni na Papa na magbakasyon kami.
02:08.0
Hindi sa probinsya ni na Mama kasi mas boring doon. Uwi ka ko.
02:13.0
Nang makalapit si na Papa at Mama ay nagmano sa kanya ang pinsan ko.
02:19.0
Hindi ka ba muna papasok sa loob? Tanong ni Mama sa akin.
02:24.0
Mamaya na lang po Mama. Makikipagkwentuhan po muna ako dito kay Albert. Tugon ko.
02:30.0
O sige pero kapag namasyal kayo, huwag masyadong lalayo ha.
02:34.0
Malapit na ang Biernesanto kaya kailangan ninyong magingat. Paalala ni Mama.
02:41.0
Alam kasi niya na mahilig kaming mamasyal ng pinsang kong si Albert.
02:45.0
Nayaya ako ni Albert na pumunta sa may likod bahay ni Lolo Ambo.
02:50.0
Magkatabi lang din halos ang bahay namin dahil kapatid ng Lolo ko ang Lolo Tenoy niya.
02:57.0
Nanguha kami ng mga hinog na mangga sa hindi kataasa ng puno at kaagad daming binalatan at kinain.
03:06.0
Mabuti na lang at nakapag tanghalian ako noon. Kaya hindi ko na rin napigilan ang kumain ng mangga.
03:16.0
Nakakamiss naman yung ganito kasarap na mangga.
03:18.0
Sa Maynila kasi bihira makabili si Mama ng ganitong kasariwang mangga na bagong pitas ang uwi ka ko.
03:26.0
Bihira na rin kasi ang mga puno dun hindi ba? Tanong ni Albert.
03:30.0
Oo, puro matataas na building tapos ang itim pa ng usok ng mga sakyan? Kwento ko.
03:38.0
Gusto ko rin makapunta sa Maynila pero sa mga kwento ninyo ni Tatay, para namang hindi masaya? Uwi ka ni Albert.
03:46.0
Wala na siyang nanay, Lolo at Lola na lamang niya ang madalas nakasama sa bahay nila.
03:51.0
Dahil ang Tatay niya ay sa Maynila nagtatrabaho.
03:57.0
Uy, masayang naman sa Maynila, maraming mall na pwedeng pasyalan, saka masayang na mga video games doon, pagkukwento ko.
04:08.0
Pero hindi ba marami rin magnanakaw sa kaholdapper doon sa Maynila?
04:13.0
Pag-uusisa pa niya kasunod ang pagagat sa pisngi ng manggang hiniwa niya.
04:18.0
Kahit sa ang lugar naman siguro may masamang tao.
04:23.0
Natatawang wika ko.
04:26.0
Naglagay ako ng asin sa hawa kong mangga bago yon kinagat.
04:31.0
Sa bagay tama ka dyan.
04:33.0
Pero dito kasi sa probinsya, sobrang bihira ang kremen na kagaya na nangyayari sa lugar niya.
04:39.0
Ang madalas na mangyari dito, katatakutan lalo na kapag malapit na ang Biyernesanto, ang wika ni Albert.
04:48.0
Alam mo, kanino ko pang narinig kay mama yung Biyernesanto na yan?
04:53.0
Anong meron dito kapag sumasapit na ang araw na yon?
04:57.0
Ako naman ang nagtanong.
04:59.0
Wala naman, pero ang sabi kasi nila dahil patay daw si Jesus sa araw na yon,
05:05.0
nagkalat daw ang masasamang tao pati ng mga kakaibang nila lang.
05:11.0
Ha? Anong ibig sabihin mong kakaibang nila lang?
05:15.0
Tanong ko ulit habang humunguya ng maasim na mangga sa bibig ko.
05:20.0
Mga kapre, duwende, at kung ano-ano pa.
05:25.0
Lalo na daw dyan sa may bukid, wika naman ni Albert.
05:30.0
Ano namang meron sa bukid? Muling tanong ko.
05:34.0
Ang sabi nila kapag raw sumapit ang araw na patay si Jesus,
05:39.0
may nagbubukas raw na daanan dyan patungo sa kakaibang mundo.
05:43.0
Yung mundo ng tatlong hari na ayaw magpagambala.
05:48.0
At kapag nagambala raw sila ng kahit sino man sa atin ay buhay daw ang magiging kapalit,
05:53.0
seryosong kwento pa ni Albert.
05:56.0
Saglit akong napatulala sa kanya noon dahil sa kakaibang kwento na narinig ko.
06:03.0
Aaminin ko na may kakaibang kilabot yun nadala noon sa katawang ko.
06:08.0
Noon ko lang kasi narinig ang kwento ng tungkol doon kaya medyo natakot din talaga ako.
06:14.0
Buh, sigaw ni Albert kasunod ang malakas na pagtulak sa akin
06:19.0
na dahilan para mahulog ako mula sa kinakaupuan ko.
06:23.0
Nabitawang ko tuloy noon ang hawak kumanga at muntik pa akong mabilaukan dahil sa pagkagulat.
06:28.0
Sira ka talaga Albert, bakit ka naman ang gugulat?
06:32.0
Nauubong wika ko.
06:35.0
Nakakatawa ka kasi ang mukha mo parang takot-takot ka na.
06:39.0
Natatawa ang sabi niya.
06:41.0
Naku ewan ko sayo, pinagtitripan mo lang pala ko.
06:45.0
Akala ko parman totoo yung sinasabi mo.
06:48.0
Napapailing na wika ko.
06:52.0
Kahit itanong mo pa sa tito nato mo mamaya.
06:55.0
Alam niya ang tungkol sa tatlong hari na sinasabi ko.
07:00.0
Sila mga hari ng duwende na hindi pwedeng magambala.
07:03.0
Kaya nga kapag ganitong holy week, hindi ako pinapapuntan ni na lola sa gubat dahil baka raw kunin ako ng mga duwende.
07:10.0
Ang kwento pa ni Albert.
07:12.0
Naku, dyan ka na nga.
07:14.0
Palubog na pala ang araw, baka hinahanap na ako ni na mama.
07:18.0
Paalam ko sa kanya bago ko siya iniwanan sa may lilim ng puno.
07:22.0
Medyo nainis rin talaga ko kay Albert dahil pakaramdam ko ay tinatakot niya lamang ako.
07:27.0
Pero bago ako makapagpatuloy sa paglalakad,
07:30.0
napalingun pa ako sa may bahagi ng daanan papunta sa bukit.
07:34.0
Natanong ko noon sa sarili ko kung totoo nga kaya ang sinasabi ni Albert tungkol sa mundo ng tatlong hari ng duwende.
07:41.0
O kain na po ang wika ni Lolo Ambo,
07:45.0
nang makapaghain sila ni tito nato para sa hapunan.
07:48.0
Nakaalis na noon ang mga magulang ko pabalik ng Maynila.
07:52.0
May mga sikasuhin pa raw kasi sila na may kinalaman sa negosyo.
07:57.0
Ayos lang naman sakin kasi mas makagagalaw ako na maayos kapag wala sila sa probinsya.
08:03.0
Wow! Sinaing na tulingan!
08:07.0
Bulalas ko nang makita ko ang ulam na nasa lamesa.
08:10.0
Meron ding ensaladang talong at maguong na isda.
08:13.0
Mga ulam na nakakain ko lamang kapag nasa probinsya ako.
08:18.0
Alam ko na paborito mo yan saka ang ibang mga pagkain na nandito sa lamesa,
08:23.0
ang wika pa ni Lolo Ambo.
08:25.0
Sobra po, dito lang po kasi ako nakakain ng mga ganito kasarap na pagkain,
08:31.0
masayang sagot ko, bago ko nagsimula ng kumain.
08:35.0
Ako dahan-dahan lang at baka mabulunan ka.
08:38.0
Natatawang paalala ni Tito Nato na ikinatawa ko naman.
08:43.0
Lolo Ambo, alam niyo po ba yung tungkol sa tatlong haring duwente na nasa may bukid?
08:49.0
Tanong ko habang may lamang kanin at ulam ang bibig ko.
08:54.0
Ay, yung tungkol sa sabi-sabi na hindi naman totoo,
08:58.0
wika ni Lolo Ambo bago sumubo ng kanin.
09:03.0
Wika ni Lolo Ambo bago sumubo ng kanin.
09:07.0
Hindi po totoo yun?
09:09.0
Nagtatakang tanong ko.
09:11.0
Oo, wag ka magpaniwala sa mga ganun.
09:14.0
Wika pa ng Lolo ko.
09:16.0
Eto naman si Tatayo, masyadong negative.
09:19.0
Ang totoo, Jeric, matagal ko naming naririnig ang tungkol dyan.
09:23.0
Ang sabi nila kapag Bire Santo raw,
09:26.0
kailangan mong iwasan ng bukid o gubat dahil marami nagbubukas na daanan patungo sa kakaibang mundo,
09:31.0
kasama na nga doon ang tinatawag nila na daan patungo sa mundo ng tatlong hari,
09:37.0
ang wika ni Tito Nato.
09:39.0
Ano bang itsura ng mundo na yon?
09:42.0
Curious na tanong ko.
09:44.0
Ewan ko, walang nakakaalam.
09:47.0
Kasi sino man ang makapasok doon ay hindi na nakakalabas pa
09:51.0
o nakababalik dito sa totoong mundo natin.
09:55.0
Pero ang sabi nila kapag raw may nakita kang tatlong puno
09:58.0
na magkakatapat at nagbibigay hugis na parang tatsalok ay huwag na huwag kang lalapit doon
10:05.0
dahil hindi mo na alam kung ano ang pwede mangyari sa oras na pumasok ka sa mundo
10:10.0
ng mga kakaibang nila lang.
10:12.0
Seryosong kwento ni Tito Nato.
10:16.0
Seryoso rin tuloy akong napatitig sa kanya habang ngunguyan ang pagkain na nasa bibig ko.
10:22.0
Kung ano ang takot na naramdaman ko sa kwento ng pinsang kung si Albert ay doble yata ang naramdaman ko
10:29.0
sa pagkakwento naman na ginawa ni Tito Nato.
10:32.0
Nato, tigil-tigilan mo ng pananakot dito sa apo ko.
10:36.0
Basta Jeric, kung ano man ang narinig mo tungkol sa tatlong haring yan,
10:40.0
tatlong haring na hindi naman totoo,
10:43.0
panakot lang yon para sa makukulit na bata.
10:46.0
Natatawang wika naman ni Lolo Ambo.
10:49.0
Buti na lang, Papa Dudut, masarap talaga mga ulam namin noon.
10:54.0
Kaya hindi ako nawala ng ganang kumain sa kabila ng mga kakaibang takot na nararamdaman ko.
11:00.0
Kinabukasan ay maaga akong nagising at kahit tinatamad pa akong bumangon,
11:05.0
ay pinilit ko ang sarili ko dahil ayokong magsayang ng oras.
11:09.0
Sakakahiga lang habang nasa probinsya ako.
11:12.0
Dumiretso na ako sa kusina para magalmusal.
11:14.0
Tay, bukas na lang kayo pumunta sa bukid.
11:18.0
Bernesanto ngayon tapos magtatrabaho pa kayo.
11:22.0
Napapailing na wika ni Tito Nato.
11:24.0
Nakita ko na nag-aayos ng kanyang itak at bayong nadadalhin sa bukid si Lolo Ambo.
11:30.0
Naku, sayang naman ang araw kung dito lang ako sa buong bahay maghapon.
11:35.0
Wika naman ni Lolo Ambo.
11:37.0
Isang araw lang naman po ang pahinga,
11:41.0
saka alam niyo naman po ang paniniwala na kapag ganitong araw napatay ang Diyos,
11:46.0
kaya dapat nating pag-ingatan na mga sarili natin.
11:50.0
Wika ulit ni Tito Nato.
11:52.0
Eh, saan naman ako mag-iingat?
11:54.0
Dito sa dalakong bayong?
11:57.0
O sa mga gulay na itatanim ko sa bukid?
12:00.0
Natatawang tanong ni Lolo Ambo.
12:02.0
Si tatay talaga, ayaw pang seryoso ngayon ang sinasabi ko.
12:06.0
Dumito na lang po muna kayo sa bahay kahit ngayong araw lang,
12:11.0
pangungumbin si pa ni Tito Nato.
12:14.0
Saglit pa silang nag-usap habang ako naman ay kumakain ng mainit na pandesal.
12:19.0
Magandang araw Ambo, nakahanda ka na ba?
12:22.0
Tanong ng bagong dating na si Lolo Tenoy.
12:25.0
Ayoo, kanina pa at kanina pa rin akong kinukulit itong anak ko
00:00.0
12:31.000 --> 12:33.000
12:34.0
Nagmano naman ako sa bagong dating na matanda.
12:38.0
Ikaw na ba yan Jeric?
12:40.0
Abay matangkad ka na palang bata.
12:42.0
Mas matangkad ka na sa apokong si Albert.
12:45.0
Natatawang wika ni Lolo Tenoy.
12:48.0
Saglit kaming nagkwintuhan.
12:50.0
Habang si Lolo Ambo ay kinukumbinse pa rin ni Tito Nato na huwag nang umalis.
12:55.0
Pero sa huli ay umalis pa rin ng bahay ang dalawang matanda para pumunta sa bukid.
13:01.0
Grabe ang sipag na mga Lolo natin.
13:04.0
Wika ni Albert habang nakatambay kami sa may likod ng bahay.
13:09.0
Ang biling kasi ng Lolo ko at Tito Nato ko ay huwag kaming lalayo dahil baka mapahama kami.
13:15.0
Lalo na at araw ng Biyernesanto.
13:18.0
O nga eh, ilang ulit na kinulit at kinumbinse ni Tito Nato si Lolo Ambo
13:23.0
na huwag nalang munang umalis sa bahay pero ayon
13:25.0
ayaw niyang magpabigil dahil sayang daw ang oras na ilalagi nila sa bahay.
13:33.0
Namitas kami noon ng suha na kasalukuyan namang nilalantakan ng pinsang ko.
13:39.0
Matamis ang suha na yon at talaga namang sariwa.
13:43.0
Nako kapag tumanda ako hindi ako magiging ganyan kakulit natatawang sabi ni Albert.
13:49.0
Ako rin ayaw ko mapagsabihan ako ng magiging anak ko.
13:53.0
Natatawa ko rin wika.
13:56.0
Albert, alam mo ba yung tungkol dun sa tatlong puno na sinasabi nilang nagiging daan daw patungo sa mundo ng mga dwende?
14:03.0
Wala sa loob natanong ko.
14:05.0
Narinig ko na yan kay Lola. Ang sabi niya,
14:09.0
hindi naman dan tatagpuan basta basta ang tatlong puno na yon sa bukid eh, wika niya.
14:14.0
Talaga? Turan ko.
14:17.0
Oo, laking bukid kaya ako at niminsan hindi ko naman nakita ang tatlong puno na yon.
14:22.0
Pero ang sabi ni na Lola,
14:25.0
nagpapakita lang daw ang tatlong puno na yon kapag mga ganitong araw ng patayang Diyos.
14:32.0
Kaya nga ayaw niya ring palisin si Lolo Tenoy kanina
14:36.0
kasi natatakot siya na baka may mangyaring masama kay Lolo sa loob ng bukid.
14:41.0
Ang kwento ni Albert.
14:44.0
Ano namang mangyayaring masama sa kanilang ni Lolo Ambo?
14:47.0
Ikaw na rin ang nagsabi na wala namang masyadong masamang tao dito sa probinsya.
14:51.0
Hindi kagaya sa Maynila, wika ko.
14:55.0
Oo nga pero ayon,
14:57.0
ang sabi ni Lola marami raw lagusa na papunta sa kakaibang mundo
15:02.0
ang nagbubukas kapag ganitong araw.
15:04.0
Kaya paulit-ulit siya sa pagpigil kay Lolo Tenoy na umalis.
15:08.0
Eto na mga Lolo natin,
15:10.0
sinalo lahat ng kasipagan dito sa mundo.
15:13.0
Kaya ayaw na magpaawat,
15:15.0
tatawang wika naman ni Albert.
15:16.0
Ang dami pa naming napagkwentuhan ni Albert ng mga oras na yon
15:20.0
tungkol sa mga Lolo namin,
15:22.0
buhay estudyante namin,
15:24.0
mga lugar sa Maynila at probinsya na masarap pasyalaan at kung ano-ano pa.
15:28.0
Marami rin kaming napitas na sariwang mga prutas na malapit lamang sa bahay.
15:34.0
Kaya naman, busog na busog din talaga ako ng araw na yon.
15:38.0
Hindi ko na nga namamalaya na inabot na kami ng gabi.
15:41.0
Ang nakapagtatakalamang ay malalim ng kasipagan.
15:44.0
Ang nakapagtatakalamang ay malalim ng gabi pero hindi pa rin nakakauwi ang mga Lolo namin ni Albert.
15:52.0
Nasa na kaya sina Tenoy at Ambo?
15:55.0
Malalim ng gabi hanggang ngayon ay wala pa rin sila dito sa bahay.
15:58.0
Ang wika ni Lola Goray, ang asawan ni Lolo Tenoy.
16:02.0
Doon siya sa bahay namin ng mga oras na yon.
16:06.0
Nag-aalala na nga rin po ako eh,
16:08.0
kasi hindi naman po sila umaabot ng ganito kagabi sa bukid.
16:12.0
Wika ni Tito Tenoy
16:14.0
Ang mabuti pa ay humingi tayo ng tulong sa barangay at magpasama tayo na puntahan sila sa bukid.
16:20.0
Sugestion pa ni Lola Goray.
16:23.0
Ako na lamang po ang pupunta doon manang,
16:26.0
maiwan na lang po kayo dito kasamang dalawang bata.
16:29.0
Ang wika ni Tito Nato na kaagad naman ang sinangayunan ni Lola Goray.
16:34.0
Abang nasa bahay nagluto siya ng pagkain papadudut.
16:38.0
Para sa hapunan nasabay-sabay naming pinagsaluhan ang pinsangkong si Albert.
16:43.0
Si Lola Goray ay hindi sumalo sa amin dahil busog pa raw siya.
16:47.0
Baka sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
16:50.0
May kalahating oras ang lumipas nang dumating na si Tito Nato,
16:54.0
tatlong barangay tanod at si Lolo Ambo.
17:00.0
Nasaan ang asawa ko?
17:02.0
Nag-aalala ang tanong ni Lola Goray.
17:04.0
Lahat kami nakabaling ang tingin kay Lolo Ambo,
17:07.0
pero ang tingin niya ay nasa malayo lamang at para bang hindi niya kami nakikita
17:14.0
Si Lolo Ambo lang po ang nakita namin sa bukid.
17:18.0
Nakaupo siya sa may damuhan tulala at hindi makausap.
17:21.0
Huwi ka ng isang barangay tanod.
17:24.0
Pero nasan nga si Tenoy?
17:26.0
Nasaan ang asawa ko?
17:28.0
Muling tanong ni Lola Goray.
17:31.0
Manang Goray, ilang ulit ko po yung tinatanong kay tatay pero hindi naman po siya sumasagot.
17:38.0
Ganyan lang po siya mula nang makita namin kanina.
17:40.0
Tulala at parang hindi tayo naririnig.
17:43.0
Malungkot na sagot ni Tito Nato.
17:46.0
Lumapit naman si Lola Goray at umiiyak na hinawakan ang magkabilang braso ng Lolo ko.
17:52.0
Ambo sabihin mo sa akin nasan si Tenoy?
00:00.0
17:58.000 --> 18:03.000
18:04.0
Pumasok si Tenoy sa tatlong puno.
18:07.0
Hindi na siya nakalabas.
18:08.0
Kinuha na siya ng tatlong haring duwende.
18:11.0
Halos pa bulong pero malinaw na sagot ni Lolo Ambo.
18:16.0
Kininabutan ako sa mga narinig ko na sinabi niya.
18:20.0
Ilang ulit pa siyang tinanong ni Lola Goray, ni Albert at ng mga tanod.
18:25.0
Pero yun lang din ang paulit-ulit niyang sinasagot.
18:28.0
Kinuha ng tatlong haring duwende si Lolo Tenoy.
18:33.0
Papadudod hindi na muli pang nakita si Lolo Tenoy.
18:36.0
Hindi na rin muli pang nakausap si Lolo Ambo.
18:39.0
Ang sabi ng doktor ay nagkaroon daw siya ng early Alzheimer's disease.
18:44.0
Padahilan kaya palagi na lamang siyang tulala.
18:47.0
Pero ang tanong na hindi na nasagot ng gabing yun ay kung nasaan na nga ba si Lolo Tenoy?
18:53.0
Nagpablatter sa barangay hanggang sa police station pero ni Anino niya ay hindi na nahana pa.
19:04.0
Tanong ko kay Albert habang nasa bukid kami at nagpapalipas ng oras.
19:08.0
Ang totoo ay alam ko naman ang sagot sa tanong ko pero gusto ko pa rin na marinig yun mula sa pinsan ko.
19:15.0
Kaya lang isang malalim na buntong hininga lamang ang sinagot niya sakin.
19:20.0
Binaling ko ang tingin ko sa malayo kung nasaan din ang tingin ng katabi kong si Albert.
19:25.0
Tatlong araw nang nawawala si Lolo Tenoy at tatlong araw na rin kaming tumutulong sa paghahanap sa kanya.
19:32.0
Pumupunta kami sa gitna ng bukid pero hindi namin siya nakita.
19:36.0
Kahit ng tatlong punong paulit-ulit na sinasabi ni Lolo ang buhay hindi rin namin mahanap.
19:42.0
Nasaan na kaya si Lolo Tenoy?
19:44.0
Kumakain kaya siya sa tamang oras?
19:47.0
Hindi kaya siya nahihilo o inaatake ng high blood niya?
19:50.0
Naluluhang wika ni Albert.
19:52.0
Ako man ay naluha na rin ng mga oras na yon.
19:55.0
Naiiyak ako dahil nakakaramdam ako ng awa sa pinsan ko.
19:59.0
At kahit papaano ay malapit din ako kay Lolo Tenoy.
20:03.0
Kahit naman ako ay napapaisip din kung nasaan na kaya siya ngayon.
20:07.0
Kung maayos ba ang lagay niya o kung buhay pa ba siya?
20:11.0
Papadudod na tapos ang bakasyon ko na hindi pa rin nahahanap si Lolo Tenoy.
20:16.0
At tuluyan na rin hindi nakausap ng maayos si Lolo Ambo.
20:20.0
Sinabi ko na lamang kay Albert na tataganyang loob niya lalo na at siyang madalas nakasama ni Lola Goray.
20:29.0
Mabilis na lumipas ang mga taon at matagal din akong hindi nakauwi sa probinsya.
20:34.0
Dahil naging busy ang mga magulang ko sa negosyo nila sa Maynila.
20:38.0
Sa Facebook chat na lamang kami nagkakausap ni Albert pero hindi rin gaanong kadalas.
20:44.0
Nang makatapos kasi siya ng high school ay huminto na siya sa pag-aaral at nag-decide ng asikasuhin ang bukin nila.
20:50.0
Kaya nagkaroon na kami ng kanya-kanyang buhay hanggang sa makarating ako ng kolehyo at ng mag-holy week ay napag-desisyonan nilang umuwi ng probinsya sa wakas.
21:01.0
Nagkaroon din kasi ng financial problem ang mga magulang ko.
21:04.0
Umuwi sila para kausapin si Tito Tenoy tungkol sa kinikita nila sa kabukiran dahil kailangan na nila papa ng malaking pera para sa nanulugin nilang negosyo.
21:15.0
Mano po Tito Nato? Uyiga ko nang makalapit ako kay Tito Nato.
21:21.0
Kawaan ka ng Diyos, turan niya.
21:24.0
Nasaan po si Lolo ang buo? Tanong ko.
21:28.0
Sinabi niya na nasa lubito ng kwarto na kaagad ko rin pinuntahan.
21:32.0
Ay Lolo, mano po. Nakangiting bati ko.
21:36.0
Inabot ko ang kamay niya para makapagmano pero wala siyang kahit nanong reaksyon.
21:42.0
Nakatanaw lamang siya sa labas ng bintana pero halatang wala sa sariling isipan.
21:47.0
Napakalaki ng pinagbago ni Lolo ang buo.
21:51.0
Mas pumayat siya at lumalim ang wrinkles.
21:54.0
Ang kwento ni Tito Nato kahit na hindi masyado nagsasalita si Lolo ang buo.
21:59.0
Mayayos niya naman itong nakakasama.
22:02.0
Napapakain niya ito, naliliguan at nabibihisan.
22:06.0
Ayon nga lang may mga oras daw na bigla na lamang magigising sa madaling araw si Lolo ang buo at iiyak at magwawala.
22:13.0
Paulit-ulit na sinasabi na kinuha raw ng tatlong hari ang kapatid niyang si Lolo Tenoy.
22:19.0
Pero pagkatapos nun ay kaagad naman daw niyang napapakalma ang matanda.
22:24.0
Jerry, nasa labas na nga pala si Albert at ninahanap ka.
22:27.0
Huwi ka ni mama nang makapasok sa kwarto kung nasaan ako.
22:32.0
Sige po mama, pupuntahan ko na po siya. Tugon ko bago lumabas ng bahay.
22:39.0
Pinsan! Masayang bati naman sakin ni Albert.
22:43.0
Uy Albert, kumusta? Tanong ko sa kanya kasunod ng saglit naming pagkakamayan.
22:49.0
Eto ayos lang kahit medyo tumaba.
22:52.0
Grabe, ganda ng katawan natin ha. Pagpupuri niya sa akin.
22:57.0
Bukod sa pagbabasketball ay habi ko na rin noon ang tumambay sa gym.
23:02.0
Hindi naman turon ko.
23:05.0
Kagaya ng dati ay niyaya niya ako sa may likod ng bahay at namitas kami ng mangga na kaagad rin naming kinain.
23:12.0
Nagpalitan kami ng mga kwento tungkol sa kanya-kanya naming buhay hanggang sa bumalik sa nakaraan.
23:18.0
Nailang taon na ang nakakalipas ang kwentuhan namin.
23:22.0
Kumusta na kaya si Lola Goray? Tanong ko.
23:25.0
Ganun pa rin kahit na ilan taon ang nakakalipas pero madalas ko pa rin siyang nakikitang umiiyak.
23:31.0
Alam mo hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung kumusta na kaya si Lolo.
23:36.0
Kung buhay pa ba siya o patay na si Lolo Tenoy?
23:39.0
Sinasama ko na nga rin sa panalangin ko na kung talagang wala na siya sana'y dalawin niya naman ako kahit sa panaginip lang.
23:46.0
Malungkot na kwento ni Albert.
23:48.0
Pagkatapos nun ay sinadya ko na lamang naibahin ang topic namin at hindi ko na rin kasi alam kung paano ko siya ikukomfort.
23:56.0
Alam ko kasi na kahit na hindi niya sabihin ay may bahagi ng sarili niya ang sinisisyang Lolo ko sa pagkawalaan ng Lolo niya.
24:05.0
Yun ang bagay na kahit na hindi namin napag-usapan ay nararamdaman ko.
24:10.0
Kinabukasan, araw ng Biyernal Santo ay sinundo ako ni Albert sa bahay.
24:14.0
Ang sabi niya ay mama siya lamang daw kami sa bayan pero nagulat ako nang dumiretsya kami dalawa sa may bukid.
24:21.0
Bakit tayo nandito?
24:23.0
Nagtatakang tanong ko.
24:25.0
Hindi ba ang sabi mo?
24:27.0
Gusto mo kong tulungan na hanapin si Lolo Tenoy?
24:30.0
Alam mo, sa totoo lang, matagal ko nang gustong pumunta rito sa bukid ng ganitong araw at oras pero hindi naman ako pinapayagan ni Lolo Goray.
24:40.0
At sa tingin ko ay ngayon na ang tamang panahon para subukan ko siyang hanapin.
24:45.0
Seryosong sagot ni Albert.
24:48.0
Gusto ko sanang tumanggi sa gusto niyang gawin namin pero nakaramdam ako ng awa sa pinsan ko.
24:55.0
Kaya naman pumayag ako na libutin namin ang malawak na kabukiran.
24:59.0
Ilang oras kaming magkasamang naglalakad pero wala kaming nakitang tatlong puno na magkakatapat at bumubuo ng hugis na tattsulok.
25:07.0
At nang magdapit hapon na ay nag-decide na kaming magpahinga muna habang kumakain ang dalan ni Albert na tinapay at inumin.
25:15.0
Mukhang hindi yata talaga totoo ang sinasabi nilang tatlong hari, wika ko.
25:20.0
Kung hindi totoo yun, nasa na kaya si Lolo Tenoy?
25:25.0
Saan kaya talaga siya nagpunta?
25:27.0
Malungkot na wika ng pinsan ko.
25:28.0
Wala ko na isagot noon dahil hindi ko rin naman alam kung saan nga ba pwedeng napunta si Lolo Tenoy.
25:37.0
Napakalawak ng bukid pero imposibleng hindi siya makita dito sa ilang taon na ginawang paghanap sa kanya.
25:45.0
Kukuha lang ako ng kaimito dyan sa malapit.
25:48.0
Babalik din ako kagad.
25:50.0
Paalam ni Albert bago umalis.
25:52.0
Sinimulan ko ng ligpitin ang mga pinagkainan namin nang makaranig ako ng kakaibang mga kaluskos.
25:57.0
Napalingon ako sa paligid pero wala naman akong nakita na kahit na sino o anumang hayop.
26:03.0
Nagpatuloy ako sa pagliligpit nang makaranig naman ako ng sit-sit.
26:07.0
Napalingon akong muli sa paligid at nakita ko ang nagliliwanag na tatlong punong magkakatapat.
26:17.0
Para akong hypnotismong tumayo at naglakad papunta doon.
26:21.0
Pero ang sabi nila kapag may nakita kang tatlong puno na magkakatapat at nagbibigay hugis na parang tatsolok ay huwag na huwag kang lalapit doon.
26:31.0
Boses yun ay tito nato na narinig ko sa loob ng isipan ko.
26:37.0
Hindi ako pwedeng magkamali.
26:39.0
Yun na nga ang tatlong puno na tinutukoy sa kwento ng matatanda.
26:43.0
Nagpalinganlinga ako sa paligid para hanapin si Albert.
26:47.0
Para hanapin siya pero bigo ako na makita niya.
26:51.0
At hindi ko na nga napigilan ang sarili ko na tuloy ang lapitan ng tatlong punong magkakatapat.
26:57.0
Pumunta ako sa pinakasentro ng tatlong puno at sa muling pagmulat ng mga mata ko ay parang nasa ibang lugar na ako.
27:05.0
Para akong nasa loob ng isang malaking palasyo napakaliwanag ng paligid.
27:11.0
May tatlong maliit na upuan at hindi kalayuan.
27:13.0
Sa kinakatayuan ko ay meron ding mahabang lamesa na puno ng iba't ibang masasarap na pagkain at sa kabilang lamesa ay puno ng alahas at mga ginto.
27:25.0
Doon ako dinala ng mga paako at kasunod ang paghawak sa mga ginto at alahas na kumikinang.
27:32.0
Totoo mga yun at mukhang umahalin kapag naibenta.
27:36.0
Pumasok sa isipan ko na kapag naiuhi ko ang mga alahas na yun ay siguradong makakatulong ako sa financial problem ng mga magulang ko.
27:44.0
Hindi ko na silang makikitang nahihirapan sa mga gastusin at makakatulong na ako sa kanila.
27:49.0
Nagsisimula na akong kumuha ng mga alahas ng may kamay na biglang humawak sa braso ko.
27:54.0
Napatingin ako sa nagmamay-ari ng kamay at nalaki ang mga mata ko.
28:01.0
Hindi makapaniwalang bulalas ko.
28:03.0
Ngumiti ang maputla niya mga labi kasunod ang pagkuhan ng mga alahas mula sa kamay ko.
28:09.0
Kailangan mo nang umalis sa lugar na ito bago bumalik ang tatlong haring duwende.
28:14.0
Huwag pasilaw sa mga yaman nila dahil yun ang magiging dahilan para habang buhay kang makulong sa lugar na ito.
28:21.0
Ang wika niya sa akin.
28:23.0
Napakatagal na po namin kayong hinahanap.
28:26.0
Umuwi na po tayo.
28:28.0
Kinakabahan man ay nagawa ko paring sabihin sa kanyang mga bagay na yon.
28:33.0
Umiling si Lolo Tenoy kasunod ang kanyang pagiling.
28:37.0
Bakas sa mukha niya ang matinding lungkot.
28:41.0
Hindi na ako makakalabas pa mula dito dahil nasilaw ako sa mga ginto nila.
28:46.0
At bilang parusay bilangguna ako sa mundong ito sa panghabang buhay.
28:51.0
Pero ikaw pwede ka pang lumabas Jeric.
28:54.0
Basta wala kang kahit na anong dadalhin mula sa lugar na ito.
28:58.0
Umalis ka na bago pa dumating ang tatlong haring duwende.
29:00.0
Umalis ka na at iparting mo sa asawa ko, sa anak ko at sa nag-iisang apo ko na mahal na mahal ko sila.
29:07.0
At huwag nga nila akong alalahanin pa dahil mabuti naman ang lagay ko dito.
29:11.0
Basta alagaan nila mga sarili nila.
29:14.0
Lalo na ang pinakamamahal kong asawa na si Goray.
29:18.0
Naluluhang wika pa niya.
29:20.0
Sumunod ako sa mga sinabi niya at naluluha akong yumakap sa kanya bago ako lumabas sa pintuan kung saan niya ako inihatid.
29:28.0
Papadudod na gising na lamang ako na nasa loob na ako ng kwarto ko sa bahay ni Natito Nato.
29:35.0
Nasa tabi ko noon ang mama ko at sinabi niya na halos dalawang araw na raw akong natutulog.
29:40.0
Balak ng araw sana nila akong dalhin sa ospital kung hindi pa ako magigising tinabukasan.
29:47.0
Ang sabi niya pa nang bumalik raw si Albert mula sa pagunguhan ng kaimito ay nakita ako nitong walang malay.
29:53.0
Kaya kaagad ako nitong inuwi sa bahay.
29:55.0
Papadudod hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat pero sinabi ko pa rin kina Lola Goray, Albert at sa tatay niya kung ano ang nakita ko.
30:05.0
Sinabi ko sa kanila ang bilin ni Lolo Tenoy sa akin.
30:09.0
Kung gaano sila nito kamahal at huwag na siyang alalahanin pa dahil nasa mabuti naman siyang kalagayan.
30:16.0
Lahat kami halos ay nag-iiyakan at nagkaroon ng padasal para kay Lolo Tenoy.
30:20.0
Mula noon ay mas naging madalas na ang pagdalao ko sa probinsya lalo na kay Lolo Ambo.
30:26.0
At mas naging malapit din kami sa isa't isa ng pinsang kongsi Albert.
30:30.0
Marami salamat papadudod kung mapili po ninyo at mabasa ang sulat ko.
30:35.0
Lumos na gumagalang Jeric from Canada
30:40.0
Ang pagiging gahaman sa salapi o material na bagay ay wala pong may dudulot na maganda sa buhay ng isang tao.
30:48.0
Kaya naman maswerte ka Jeric na nagawa kang iligtas ni Lolo Tenoy mula sa mundo.
30:55.0
Kung saan ay pwede kang makulong sa habang buhay.
30:58.0
Totoo man o hindi ang naging panaginip mo kung saan ay nakita mo siya,
31:02.0
ang mahalaga ay naihatid mo ang kapayapaan sa puso at isipan ng mga taong naiwan niya.
31:08.0
Mga kastorya marami talagang hindi may paliwanag na lugar at nilalang sa mundong ito.
31:14.0
Pakatandaan lang natin na kahit nasaan man tayong parte ng mundo,
31:19.0
mahalaga na magbigay tayo ng respeto sa kapwa natin o sa mga nilalang.
31:23.0
Na hindi man nakikita pero nararamdaman natin.
31:28.0
Para po maging komportable ang inyong katawan,
31:32.0
nakohanapin niyo po sa Facebook ang Rang Siman Thigh Massage.
31:36.0
Kung kayo po ay taga Fairview at Dahlia,
31:40.0
nakohanapin niyo po ang Rang Siman Thigh Massage na nasa Facebook.
31:45.0
At sa mga gusto magpaganda, magpariband,
31:50.0
Ganoon din sa mga murang computer, laptop, surplus yan,
31:54.0
brand new man o anumang hanapin ninyong parte ng inyong computer,
31:58.0
ang Papa Dudut Computers, hanapin niyo po sa Facebook.
32:02.0
Maraming salamat po sa inyong lahat.
32:17.0
May lungkot at saya
32:22.0
Sa Papa Dudut Stories
32:26.0
Laging may karamay ka
32:35.0
Mga problemang kaibigan
32:41.0
Dito ay pakikinggan ka
32:47.0
Sa Papa Dudut Stories
32:52.0
Kami ay iyong kasama
33:00.0
Dito sa Papa Dudut Stories
33:04.0
Ikaw ay hindi nag-iisa
33:13.0
Dito sa Papa Dudut Stories
33:17.0
May nagmamahal sa'yo
33:25.0
Papa Dudut Stories
33:31.0
Papa Dudut Stories
33:38.0
Papa Dudut Stories
33:47.0
Papa Dudut Stories